1. Alamin ang Causes:
-  Isipin mo ang daily routine mo:  Nagcocommute ka ba?  Aircon ba ang office mo?  Madalas ka ba mag plantsa ng buhok?  Dull and dry hair can be caused by environmental factors, heat styling and improper hair care routine katulad ng mga examples ko kanina.  But once you know the cause, mas madali na siyang solusyunan!
 
2. Try Rejuvenating Home Remedies:
- Check out your pantry– have a half eaten avocado?  Extra honey packets from restaurants na naitago?  May tanim ka ba aloe vera sa garden?  Perfect!  Pwede mo’ng gamitin ang mga ‘yan on your hair to help restore moisture.  Apply mo lang sa buhok mo to create a hair mask.  Basta remember na banlawan ng maigi ang iyong buhok pagkatapos at baka langgamin ka!
 
3. Chillax your locks with Warm Oil Treatments:
- Puwedeng maka-dagdag ng moisture ang pag-gamit ng oil sa iyong buhok.  Just make sure na it’s the right kind of oil that will address dull and dry hair tulad ng coconut oil.  Try niyo to warm the oil ng kaunti (‘wag mainit, hindi po tayo magpiprito!) before applying it to your scalp.  Guaranteed relaxing yan and great for your hair!